^

Metro

Guwardiya ng LTO, utas sa ambush

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang security guard na nakatalaga sa Land Transportation Office (LTO) habang sakay ng kanyang motorsiklo ng dalawang hindi pa kilalang riding-in tandem sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Joseph Dela Cruz, 41, at naninirahan sa Sitio Palanas C. Vastra, Quezon City.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib at tiyan ang biktima at namatay noon din sa pinangyarihan ng in­sidente.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 9:20 ng gabi sa kahabaan ng C5 Road, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.

Base sa testimonya sa pulisya ng isang testigo, lulan ang biktima sa kanyang kulay itim na motorsiklo (UK-2485) nang habulin at tapatan ng dalawang hindi pa kilalang suspek lulan din ng motor saka pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang dalawa na kapwa nakasuot ng helmet at jacket na itim.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at ma­dakip ang mga salarin.

vuukle comment

AYON

BAGONG ILOG

BRGY

JOSEPH DELA CRUZ

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MATAPOS

NAGSASAGAWA

PASIG CITY

QUEZON CITY

SITIO PALANAS C

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with