^

Metro

Kelot dedo sa suntok

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Mala-Pacman na suntok ang kumitil sa buhay ng isang binata buhat sa isang lalaki na nakasalubong lang niya kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Nakilala ang biktima na si George Siapno, 38, ng Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Antonio Valdez Jr., 36, ng Brgy. Bagbagin, Caloocan City.      

Naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling araw sa isang gasoline station sa nabanggit na lugar habang naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot sa harapan nito ang suspek at walang sabi-sabing sinuntok sa bunganga ang biktima hanggang sa natumba ito at bumagsak ang ulo sa semento. Agad na nangisay ang biktima dahilan upang dalhin ito sa pagamutan ng ilang concerned citizen, ngunit hindi na nakarating ng buhay. Ang suspek naman ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

ANTONIO VALDEZ JR.

BAGBAGIN

BRGY

CALOOCAN CITY

GEORGE SIAPNO

LAWANG BATO

MALA-PACMAN

NAGANAP

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with