^

Metro

2 pang billboard, binaklas ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawa pang billboard ng mga aktres na sina Angel­ Locsin at Ann Curtis at Azkal player Phil Young­husband ang binaklas ng Metro­politan Manila De­velopment Authority­ (MMDA) dahil sa kawalan umano ng permit kahapon sa Man­daluyong City.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na bahagi pa rin ito ng kanilang kampanya sa paglansag sa mga iligal na billboards sa Metro Manila.

Natuklasan umano na walang kaukulang permits ang may-ari ng naturang billboards at lumabag sa National Building Code.

Tampok sa isa sa billboards si Angel Locsin na naka-swimsuit at Younghusband na walang saplot pang-itaas na nag-eendorso ng isang produktong tuna habang si Anne Curtis na nag-eendorso naman ng isang hygiene soap ay nakasuot ng nightgown.

Sinabi ni Candy de Jesus­, public information officer ng MMDA, na inaasahan pang ilang billboards pa ang babaklasin sa may EDSA-Trinoma sa Quezon City at sa EDSA-Pasay City dahil sa paglabag rin sa National Building Code.

Ito’y makaraang bumuo ng espesyal na komite na sa­sala umano sa mga nilalaman ng mga billboards, humi­hingi naman ng suporta ang MMDA sa mga mambabatas para sa paglikha ng batas para maayos na ma-regulate ang mga nilalaman ng mga billboards sa buong bansa.

ANGEL LOCSIN

ANN CURTIS

ANNE CURTIS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

MANILA DE

METRO MANILA

NATIONAL BUILDING CODE

PASAY CITY

PHIL YOUNG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with