^

Metro

Call center agent, utas sa 2 holdaper

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang call center­ agent na kagagaling lamang sa trabaho makaraang saksakin sa leeg at barilin pa ng dalawang holdaper na tuma­ngay sa bag nito, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Naisugod pa sa Medical City Hospital ang 27-anyos na si Geral Tiangco, ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Maybunga ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Sa inisyal na ulat ng Pasig City Police, naganap ang krimen dakong alas-5 ng madaling araw sa kanto ng C-5 Road northbound at Dr. Sixto Antonio Avenue, sa naturang lungsod. Kagagaling lamang ng biktima sa magdamag na trabaho at papauwi na nang isang motorsiklo lulan ang dalawang salarin ang huminto sa tapat nito.

Walang sabi-sabing big­lang tinarakan agad ng mga salarin ang biktima ng balisong sa leeg at isang beses pang binaril saka hi­nablot ang dala nitong bag bago pinaharurot ang motorsiklo tungo sa hindi mabatid na direksyon.

Patuloy ngayon ang ma­susing imbestigasyon ng pulisya sa krimen habang muling nagbabala lalo na sa mga nagtatrabaho sa mada­ling araw sa uri ng modus-operandi ng mga holdaper.

Matatandaan na nagpa­tupad noon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa panahon ni General Nicanor Bartolome ng “one-strike policy” kapag may nangyayaring krimen sangkot ang “riding-in-tandem” na ibinasura ngayon ng pulisya.

BARTOLOME

BRGY

DR. SIXTO ANTONIO AVENUE

GENERAL NICANOR

GERAL TIANGCO

MEDICAL CITY HOSPITAL

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with