Mister inatake sa 'kiss mark'

MANILA, Philippines - Patay sa atake sa puso ang 35-anyos na lalaki nang sumama ang loob sa pag-aaway nila ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng mada­ling araw.

Ayon sa pulisya dakong ala-1:10 ng madaling-araw kahapon nang dumating ang biktima mula sa trabaho, na sinalubong ng kanyang kalive-in na si Marilyn Baluran.

Nakita ni Baluran ang ‘kiss mark’ sa dibdib ng biktima nang maghubad ito ng T-shirt na humantong sa  m­atinding selos at pagtatalo.

Inakusahan ni Baluran ang biktima na may kinalo­loko­hang babae na mariin namang itinanggi ng huli.

Nang  matapos ang sigalot, nagtungo ang biktima sa comfort room at big­lang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at nawalan ng malay.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.

Show comments