^

Metro

Bangkay ng engineer, nalambat ng mangingisda

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Navotas Police Station ma­karaang malambat ng isang mangingisda ang bang­kay ng isang inhinyero na lumutang sa dagat, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na ngayon ay nasa Marcelo Funeral Homes sa Navotas ay naki­lalang si Joseph Ebosco, Civil Engineer ng Makati Development Corporation, at tubong Bataan.

Ayon sa mangingisdang si Sonny Reyes, bandang alas-5:00 ng hapon nang malambat niya sa Wawa Tangos ang bangkay ng biktima. 

Una niyang inakala na naka-jackpot na siya sa bi­gat ng lambat ngunit nagimbal nang bangkay ng lalaki ang bumulaga sa kanya.

Agad namang pumunta sa pampang at iniulat ni Reyes ang insidente sa pulisya na kumuha sa naturang bangkay.

Mabilis namang nakilala ang biktima sa pamama­gitan ng kanyang PRC li­cense bilang isang civil en­gi­neer. Hindi naman nakitaan ng anumang sugat sa katawan ang biktima bilang palatandaang pinatay ito at itinapon sa dagat.

May hinala ang pulisya na nalunod ang biktima nitong Biyernes sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan at tinangay ang ka­tawan nito papuntang Navotas matapos na mabatid na pauwi na ito ng Bataan at sumakay sa Ferry boat mula sa Makati.

CIVIL ENGINEER

JOSEPH EBOSCO

MAKATI DEVELOPMENT CORPORATION

MARCELO FUNERAL HOMES

NAVOTAS

NAVOTAS POLICE STATION

SHY

SONNY REYES

WAWA TANGOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with