^

Metro

2 MPD pulis nanakawan ng baril sa Luneta Park

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang bagitong pulis­ ang nawalan ng kanilang service firearms habang nag-eensayo para sa kumpetisyon sa Civil Disturbance Management (CDM) sa Luneta Park, Ermita, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Sa magkahiwalay na reklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section nina PO1 Charlie Borromeo, 26, at PO1 Jerome Oponano, 25, kapwa nakatalaga sa MPD-District Public Safety Batallion (DPSB), dakong alas-11:30 nang  hindi na makita sa loob ng compartment ng kanilang mga motorsiklo ang kanilang kalibre .45 baril.

Ipinarada lamang uma­no nila sa tapat ng Luneta Police Community Precinct ang mga motorsiklo at nang matapos ay wala na ang mga baril.

Matatandaang noong Abril 30, 2011, habang dumadalo ng tourism awareness seminar ang isang MPD police ay nakarnap ang kanyang ipinaradang Honda XRM (5512-TT)  sa loob ng Luneta Park o National Parks and Development Compound (NPDC).

vuukle comment

ABRIL

CHARLIE BORROMEO

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT

DALAWANG

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATALLION

JEROME OPONANO

LUNETA PARK

LUNETA POLICE COMMUNITY PRECINCT

NATIONAL PARKS AND DEVELOPMENT COMPOUND

POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with