^

Metro

2 bangkay natagpuan sa Caloocan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki ang magkasunod na na­tagpuan ng mga otoridad sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Unang natagpuan dakong alas-8 kamakalawa ng gabi ang bangkay ng cigarette vendor na si Francisco Delana, 46, ng General Simon St, Brgy. 81, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan police, natagpuan ang nakabulagtang bangkay ni Delana ng mga rumorondang barangay tanod sa kahabaan ng General Simon St. Unang inakala ang biktima na nakatulog lamang dahil sa sobrang lamig ng panahon dulot ng pag-ulan ngunit nang ginigising na ay nadiskubreng matigas na itong bangkay.

Dakong alas-11 naman kahapon ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Antonio Quimpo Jr., sa loob ng bahay nito sa PNR Compound, ng naturang lungsod.

Nabatid na pinuntahan ng isa nitong kaibigan ang biktima na mag-isang naninirahan sa kanyang bahay ngunit hindi ito nagbubukas ng pinto. Puwersahan nang binuksan nito ang pinto kung saan bumulaga ang bangkay ng biktima na walang anumang saplot sa katawan.

Nagsisimula na rin mangamoy ang biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay at wala naman nakitang palatan­daan na pinatay si Quimpo.

vuukle comment

ANTONIO QUIMPO JR.

BANGKAY

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAKONG

DALAWANG

FRANCISCO DELANA

GENERAL SIMON ST

GENERAL SIMON ST. UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with