^

Metro

Matansero Kinatay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kinatay ng kanyang kapwa matansero ang isang 33-anyos na binata habang natutulog sa katre ng kanilang pinapasukang katayan ng manok, sa panulukan ng Leonor Rivera at New Antipolo Sts., Sta Cruz, May­nila, kahapon ng umaga.

Saksak sa kaliwang dibdib at tagiliran ang ikinasawi ng biktimang si Pepito Gabriel, stay-in sa no. 7875 New An­tipolo St.Sta.Cruz, Maynila.

Isang alyas “Joel” na kasamahan sa trabaho at katabi ng biktima sa pagtulog ang itinuturong suspect sa krimen.

Sa ulat ni PO2 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa quarters ng slaughter house ng nasabing address.

Bago umano matulog ang dalawa, dakong alas-4 ng ma­daling-araw ay nagtalo ang mga ito dahil sa inggitan sa trabaho, habang sila ay naglilinis ng mga manok.

Ayon kay Allan Comia, 26, kasamahan ng biktima nakita niyang may hawak na balisong ang suspect at naghahamon pa ng away at nang pumasok sa kanilang tulugan ay nakita niyang du­guan sa katre ang nakahigang biktima kaya mabilis na dinala sa JRMMC kung saan idineklarang dead on arrival.

Biglang nawalang parang bula si “Joel” matapos ang krimen.

vuukle comment

ALLAN COMIA

HOMICIDE SECTION

JUPITER TAJONERA

LEONOR RIVERA

MANILA POLICE DISTR

NEW AN

NEW ANTIPOLO STS

PEPITO GABRIEL

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with