^

Metro

Billboards isi-censor na ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isasailalim na sa censorship ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga ikakabit na billboards sa Metro Manila kasabay ng pagbuo ng komite na susuri at magtatakda ng mga regulasyon sa mga larawan na ilalagay ng mga advertisers.

Ang naturang hakbang ay bunsod ng kontrobersiyang idinulot ng pagbabaklas ng billboards ng rugby team na Philippine Volcanoes na may suot lamang na “skimpy briefs” sa EDSA-Guadalupe no­ong nakaraang linggo.

Pamumunuan ni Marikina Mayor Del De Guzman ang komite, kasama sina Fr. Roderick Castro, ang parish priest ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe at MMDA Assistant General Mana­ger for Planning at tuma­tayo ring tagapagsalita ng ahensiya na si Tina Velasco.

Ayon kay MMDA Chair­ man Francis Tolen­tino, la­yunin ng binuong komite na makapagtakda ng tamang regulasyon sa paglalagay ng mga advertiser ng larawan ng mga billboards na hindi lamang para ipakilala ang produkto kundi kailangan ding makapag­hatid ng wastong mensahe, may dangal at disente at hindi magdudulot ng negatibong asal lalo na sa mga kabataan.

Bukod sa pagsunod sa National Building Code, nais din ng ahensiya na mabig­yan ng regulasyon ang mga ilalagay na larawan. 

Nirerespeto umano nila ang nais ng mga advertisers na sa kanila mang­galing ang regulasyon sa kanilang mga ads ngunit kailangan ring makialam ang pamahalaan.

Aniya, kailangan dito ay expanded self-regulation kung saan kasama ang pa­­mahalaan, ang local go­vern­ment units, consumer groups, religious sector at ang advertising industry.

Tiniyak pa ni Tolentino na palalawakin pa rin nila ang pakikipagtalakayan sa Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP) at sa Phi­lippine National Association of Advertisers (PANA) upang maresolba ang usapin­.

ASSISTANT GENERAL MANA

FRANCIS TOLEN

MARIKINA MAYOR DEL DE GUZMAN

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL ASSOCIATION OF ADVERTISERS

NATIONAL BUILDING CODE

NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF GUADALUPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with