^

Metro

Selosong mister nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Natuluyan  sa ikalawang pagkakataon ng pagpapakamatay ang isang 57-anyos na dating foreman sa construction­, nang matagpuan itong nakabigti sa loob ng kanyang bahay sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Faustino del Socorro, tubong-Bula, Camarines Sur at residente ng #2562 Pasig Line St., Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Gerry Rivera, dakong alas-10:40 ng umaga nang madiskubre ng anak na si Catherine, 23, ang kanyang ama na nakabigti ng nylon cord sa loob ng silid na nasa ika-2 palapag ng kanilang bahay. Hindi na rin naisalba pa ng mga doktor ng Sta. Ana Hospital ang biktima na idineklarang patay dakong alas-11:05 ng tanghali.

Ayon sa ulat, madalas magselos ang biktima at naging bugnutin dahil matagal nang nawalan ng trabaho bilang foreman sa construction company.

Posibleng iniisip ng biktima ang umano’y kanyang pagi­ging pabigat habang ang misis nito ang namamasukan bilang utility sa isang kumpanya sa Makati City.

Sinabi ng pamilya ng biktima na sa unang pagtatangka ng biktima ay uminom ito ng maraming gamot na sanhi ng overdose subalit nalapatan pa ito ng lunas nang isugod sa ospital.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

ARMAND MACARAEG

AYON

BULA

CAMARINES SUR

GERRY RIVERA

MAKATI CITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PASIG LINE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with