Bebot binoga sa bibig, patay
MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos na barilin sa bibig na tumagos sa bumbunan nito kamakalawa ng gabi sa Islamic Area sa Quiapo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang inilarawan ni PO2 Roderick Pacilan na nasa edad na 22 hanggang 25, maputi ang balat, hanggang balikat ang buhok, nakasuot ng kulay brown na blouse at sleeveless na blue at orange stripes, cargo pants na itim at brown na tsinelas. May tattoo sa kanang kamay na ‘Rosauro’.
Sa ulat, dakong alas- 9:25 kamakalawa ng gabi nang maganap ang nasabing pamamaril sa biktima sa tapat ng #1035 R. Hidalgo St., Quiapo, sa Bgy. 393 Zone 40.
Sa pahayag ng isang 17-anyos na lalaki, nasa loob siya ng bahay nang makarinig siya ng malakas na putok at nakita niyang nakahandusay sa sementadong kalye ang biktima.
Isang basyo ng bala ng kalibre .45 ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.
Narekober din ang mga gamit ng biktima tulad ng relos, silver na kwintas at singsing, isang kaha ng sigarilyo at P59 cash sa bulsa.
Hindi pa matukoy ang motibo ng pamamaslang subalit tinitingnan ng pulisya ang anggulo na may kaugnayan sa iligal na droga at love triangle.
- Latest
- Trending