^

Metro

Technician patay sa holdap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 53-anyos na op­tical technician ang napatay sa holdap ng isang naka-motorsiklong holdaper, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Ilang oras matapos ma­isugod sa UERM Hospital ay binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Agolino Baretto Itable, technician sa isang optical shop sa Quiapo, Maynila at residente ng #3 Anonas West Extension, NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila.

Natangay ang gintong kwintas, singsing at bracelet ng biktima na nagkaka­halaga umano ng kabuuang P105,000 ng suspect na ini­la­rawang may taas na 5’2’’ hanggang 5’3’’, katamtaman ang laki ng katawan, naka­suot ng brown na t-shirt, itim na bull cap at maong na pantalon.

Sa ulat ni SPO2 David Tuazon, ng Manila Police District-Homicide Section, hinoldap ang biktima dakong alas-6:30 ng umaga  sa Altura Ext. sa Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na sakay din ng motorsiklo (Yamaha) na kulay itim (7399 TD) ang biktima nang umalis sa kanyang bahay upang pumasok sa trabaho nang harangin ng suspect na nagmamaneho ng di-naplakahang motorsiklo at sapilitang pinahubad ang mga alahas sa biktima.

Ayon sa pulisya, po­sib­leng nanlaban ang biktima kaya ito binaril ng suspect upang hindi na siya mahabol o maireport sa awtoridad.

Dakong alas-12:08 ng tanghali kahapon nang ideklarang patay na ang biktima dahil sa tinamong bala sa katawan. Narekober sa pinangyarihan ang basyong bala at motorsiklo ng biktima.  

vuukle comment

AGOLINO BARETTO ITABLE

ALTURA EXT

ANONAS WEST EXTENSION

AYON

BIKTIMA

DAKONG

DAVID TUAZON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with