^

Metro

Iniwan ng ka-live-in, caretaker nagbigti

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang caretaker ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti matapos umanong hiwalayan ng kanyang live-in partner kamakalawa sa Ma­labon City.

Patay na nang matagpuan si Darwin Andaya, ng Paez Ville, Brgy. Dampalit ng nabanggit na lungsod.

Sa naantalang report na nakarating kahapon sa Malabon City Police, dakong alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ang katawan ng nasawi sa loob ng banyo sa 2nd floor ng binabantayan nitong bahay sa naturang lugar.

Ayon sa salaysay ng mag-inang sina Esterlita Ganzan, 59; at Renato, 39, kasamahang caretaker ng biktima, huling narinig ng mga ito na nagtatalo si Andaya at ang live-in partner nitong si Annalyn Savellano, 34, sa loob ng kanilang tinirhan.

Matapos ang pagtatalo, umalis si Savellano at maka­lipas ang dalawang araw ay natagpuan na lamang ng mag-ina ang walang buhay na katawan ni Andaya na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang nylon cord.

Sa pagsisiyasat ng mga rumespondeng SOCO, nasa tabi ng biktima ang cellphone nito at nabasa sa sent items na ipinadala sa kanyang live-in partner na “hiwalayan mo ako, magpapakamatay ako” at nakasaad naman sa inbox ang reply ni Savellano, na “Magpakamatay ka”.

Kaugnay nito, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.   

vuukle comment

ANDAYA

ANNALYN SAVELLANO

AYON

BRGY

DAMPALIT

DARWIN ANDAYA

ESTERLITA GANZAN

MALABON CITY POLICE

PAEZ VILLE

SAVELLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with