^

Metro

Lalaking anak ni Rosanna Roces nakabangga

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang anak ng aktres na si Rosanna Roces ang nasangkot sa kontrobersya matapos na mabundol ng kanyang sasakyan ang kotse ng isang hepe ng istasyon ng pulisya sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Tinukoy ng Traffic Sector 4 ng Quezon City Police District ang anak ng aktress na si Dennis Roberto Adriano, alyas Onyok, 20, ng Claire Provident Village, Marikina CIty.

Ang nakabanggaan nitong sasakyan ay ang Mitsubishi Lancer ni Inspector Feliciano Almojuela ng Station 1 ng QCPD na bahagyang nawasak bunga ng nasabing insidente.

Nangyari ang insidente ganap na alas-5:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue sa lungsod.

Diumano, minamaneho ng anak ng aktres ang kanyang Ford Lynx (WRH-653) sa nasabing lugar nang mabangga nito ang sinasakyan ni Almojuela. Bagama’t walang nasaktan sa nasabing insidente, nagkaroon naman ng tensyon matapos na magwala si Adriano at magbitaw ng mga masasamang salita sa ilang mamamahayag na nagkokober dito.

Sinasabing amoy alak si Adriano nang mangyari ang insidente kung saan galing umano sa isang inuman at papauwi kasama ang kaibigan ng mangyari ang aksidente.

vuukle comment

ADRIANO

CLAIRE PROVIDENT VILLAGE

DENNIS ROBERTO ADRIANO

FORD LYNX

INSPECTOR FELICIANO ALMOJUELA

MITSUBISHI LANCER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROSANNA ROCES

TOMAS MORATO AVENUE

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with