Poll recount giniit

MANILA, Philippines - Isinumite na ni dating Manila Mayor Lito Atienza Jr. ang kanyang memorandum sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) kung saan nakadetalye ang umanoy dayaan at iregularidad na nangyari noong Mayo 10, 2010 Mayoralty elections.

Ang nasabing memorandum ay bilang pagsunod sa kautusan ng Comelec na nag-aatas kay Atienza at sa kanyang kalaban na si Mayor Alfredo Lim na magsumite ng kanilang memoranda at ebidensya matapos ang revision ng balota mula sa 20% pilot precincts na nagpapatunay kung bakit ang natitirang 80 porsiyento ng prisinto ay dapat o hindi dapat i-revised.

Sa nasabing memorandum, sinabi ni Atienza na sa isang prisinto lamang, lahat ng 614 balot ay walang mga pirma ng chairman ng board of election inspectors (BEI) na itinatakda ng batas.

Bukod dito ang mga pirma sa daan-daang balota sa tatlong barangay (Barangay 125,198 at 796) at hindi tugma sa sample signatures ng chairman o ng sinumang miyembro ng BEIs na siyang sinasabi rin ng Parish Pas­toral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa resulta ng kanilang Random Ma­nual Audit sa ilang prisinto ng Maynila.

 Sa ulat din ng PPCRV, tanging ang lungsod ng Maynila partikular na sa posis­yon ng Mayor ang mayroong double digit variances na na­diskubre kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin umano ito naipapaliwanag ng Comelec o PPCRV.

Giit ni Atienza ang bi­­lang ng boto sa mga pre­­­­­­­­sinto ay substantial at ma­­­­­ te­rial dahil ito ang ma­kakaapekto sa resulta ng eleksyon.

Show comments