^

Metro

Motorsiklo salpok sa dump truck: Mag-asawa utas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang mag-asawa matapos sumalpok sa isang dump truck ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga biktimang sina Antonio 32 at Grace Bio, 31, nakatira sa Bancal, Meycauayan, Bulacan.

Sumuko naman sa pulisya ang driver na si Arcenio Gol­gota­, 45, ng Brgy. Coloong I, Valenzuela City.

Ayon sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Brgy. Dalandanan, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na magka-angkas ang mag-asawang biktima sa kanilang Rusi Motorcycle kung saan pagsapit sa naturang lugar ay huli na bago nakontrol ang preno ng motorsiklo at sumalpok sa kasalubong nilang dump truck (RER-458) na minamaneho naman ni Golgota.

Sa sobrang lakas ng salpukan, tumilapon ang mag-asawa. Isinugod pa ang mga ito sa pagamutan subalit hindi na rin naisalba pa ang buhay.

vuukle comment

ARCENIO GOL

AYON

BRGY

BULACAN

COLOONG I

DALANDANAN

GRACE BIO

MAC ARTHUR HIGHWAY

RUSI MOTORCYCLE

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with