^

Metro

Zaldy Ampatuan hindi 'maghuhudas' sa ama, utol

- Ni Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Walang plano si suspen­ded Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan na maging state witness laban sa iba pang mga akusado sa Maguindanao masaker lalo na laban sa kanyang ama na si Andal Sr. at kapatid na si Andal Jr.

Sinabi ni Atty. Redemberto Villanueva, abogado ni Zaldy, pinabubulaanan nila ang mga ulat na ang kanyang kliyente ay pumapayag na maging state witness sa kaso.

Si Zaldy ay hindi pa rin nababasahan ng sakdal hanggang sa kasalukuyan mula nang simulan ang arraignment sa kaso noong Enero 2010 dahil sa isang pending case sa Court of Appeal na humihiling na alisin ang kanyang pangalan sa talaan ng 197 katao na kinasuhan ng 77 counts ng murder.

Ayon kay Zaldy siya ay nasa Maynila noong panahon nang maganap ang masaker at siya ay nasa Davao City noong panahon na ang masaker umano ay planuhin.

ANDAL JR.

ANDAL SR.

AUTONOMOUS REGION

AYON

COURT OF APPEAL

DAVAO CITY

GOVERNOR ZALDY AMPATUAN

REDEMBERTO VILLANUEVA

SI ZALDY

ZALDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with