^

Metro

Kostumer sa videoke todas sa sekyu

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nabaril sa dibdib at hindi na umabot pang buhay sa paga­mutan ang isang la­sing na kostumer ng isang videoke bar matapos magtangkang agawan ng baril ang security guard habang inaawat ang una sa pagwawala sa Tondo, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Gary Lasac, alyas Ato, ng Infanta St., Balut, Tondo, Maynila.

Agad namang sumuko sa Manila Police District-Raxabago Police Station 1 ang suspect na si Philadelfo Conserva, secu­rity guard ng Jamester Videoke Bar na nasa H. Lopez at Buendia Sts., Balut, Tondo.

Ayon sa ulat, dakong alas-12 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insi­dente sa labas ng videoke bar.

Uminom umano sa naturang establisi­mento si Lasac at nang malasing ay lumabas at doon nagwala.

Inawat naman ito ng suspect na sekyu pero hindi ito nakinig, imbes ay tinangkang agawin ang service fire­arm ni Conserva.

Nakipambuno naman ang sekyu hanggang sa pumutok ang baril at tinamaan sa dibdib ang biktima.

ATO

AYON

BUENDIA STS

GARY LASAC

INFANTA ST.

JAMESTER VIDEOKE BAR

MANILA POLICE DISTRICT-RAXABAGO POLICE STATION

MAYNILA

PHILADELFO CONSERVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with