^

Metro

Crane sa construction bumigay, obrero patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang nasawi makaraang mahagip ng bumagsak na bahagi ng crane sa isang ginagawang condominium sa lungsod Quezon kahapon.

Sa inisyal na impormas­yong ibinigay ni PO1 Mudjackil Nassal­ ng Station 12 ng QCPD, nakilala ang biktima na si Russe­l Langris o Russel Lotino, ayon naman sa kanyang mga kasamahan, nasa edad 30 na ang nasawi habang nila­­lapatan ng lunas sa Quirino Memorial Medical Center.

“Ayaw kasing papasukin ang mga pulis natin sa lugar­ kaya hirap tayong maka­kuha ng impormasyon,” sabi ni Nassal­.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa ginagawang condominium sa may Le Grande, Megaworld Corp. sa Eastwood City, partikular sa panulukan ng Economia St. at Palm St., Brgy. Bagumbayan ganap na alas-11:30 ng umaga.

Sinasabing kasalukuyang nagtatrabaho ang biktima sa ika-18 palapag ng gusali nang biglang bumagsak ang crane na nasa itaas at tamaan ang una ng bahagi nito.

Ayon sa ilang kasamahan ng biktima, may karga umano ang crane at naputol ang kable nito kung kaya bumagsak, saka humampas sa hambang bakal bago tuluyang nahagip ang biktima at magtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan.

Agad namang isinugod ang biktima sa naturang ospital subalit binawian din ito ng buhay.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing in­sidente.

AYON

EASTWOOD CITY

ECONOMIA ST.

LE GRANDE

MEGAWORLD CORP

MUDJACKIL NASSAL

PALM ST.

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

RUSSEL LOTINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with