Bangkay sa plastic bag, itinapon sa dagat

MANILA, Philippines - Isang bangkay na sinasabing mahirap nang mamukhaan dahil sa pagkabulok ang natagpuang nakasilid sa isang mala­king stripe na sando plastic bag at lumulutang sa dagat sa North Harbor, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Isang staff umano ng MICT na naglilinis sa isang nakadaong na patrol boat sa Parola East Gate ang nakakita sa lumulutang na plastic bag dakong alas-8:00 ng umaga kahapon. Inilarawan ng pulisya ang bangkay na nasa pagitan ng edad 40 hanggang 42; halos hindi pa umabot sa taas na 5’ talampakan o (170 cm); nakasuot ng itim na t-shirt, maong na pantalon, itim na medyas sa kaliwang paa lamang at brown ang sinturon. Anang imbestgador, mahirap nang makilala ang biktima kung ang pagbabatayan ang katawan na lumobo na at ang mukha na naagnas na at hindi na rin madaling tukuyin kung ano ang sanhi ng kamatayan nito. Naniniwala ang pulisya na bago itinapon sa dagat ay pinatay muna ang biktima. Nakabaluktot umano ang katawan ng bangkay na pinagkasya sa malaking stripe na pula at puti na sando bag.   

Show comments