Binata utas sa tiyo

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang binata ng kanyang tiyu­hin kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital ang biktimang si Michael Garcia, 29, ng Valley Street, Camarin ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong dalawang saksak sa katawan.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police detention cell ang tiyo na suspek na si Arnel Rollo, 41.      

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, dakong alas-11:15 ng gabi umuwi ng bahay ang biktima at nagsumbong dito ang nakababatang kapatid na si Angelito, dahil pinagsabihan sila ng suspek dahil umano sa pagiging tamad nila, palamunin at umaasa sa kanilang ina, samantalang mata­tanda na sila.

Dahil dito sinugod ng biktima ang kanyang tiyuhin at kinompronta dahil sa mga binitiwang salita nito laban sa kanilang magkapatid.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng mag­tiyuhin at dito kumuha ng patalim ang suspek at inun­dayan ng dalawang saksak ang pamangkin.

Mabilis namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na pa­gamutan, ngunit hindi na ito nakarating ng buhay. Ang suspek naman ay nadakip ng mga pulis na rumesponde.  

Show comments