Online teaching scheme, nais ipatupad ni Joy B. sa QC
MANILA, Philippines - Upang maipagpatuloy na mabigyan ng mahusay na kalidad na edukasyon ang mga taga-Quezon City planong ipatupad ng pamahalaang lungsod ang isang online scheme sa pagtuturo sa mga kabataang mag-aaral kasama na ang mga dropouts at unschooled.
Kaugnay nito, inatasan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte si Division of City Schools officer-in-charge (OIC) Dr. Corazon Rubio na pag-aralan ang posibilidad na maipatupad ang programa na magbibigay-daan na masolusyunan ang problema sa masisikip na silid-aralan at out-of-school youths (OSY) sa lungsod.
Binigyang-diin ni Belmonte na ang lokal na pamahalaan at mga school authorities ay magpapatupad ng bagong teknolohiya gamit ang internet sa pagtuturo sa school-age children kasama na ang mga dropouts hinggil sa iba’t ibang subjects na itinuturo sa mga silid aralan.
- Latest
- Trending