^

Metro

6 na ospital sa Maynila, lalagyan ng radio transceiver

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Upang mas maging mabilis ang komunikas­yon at matiyak ang seguridad, inatasan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim si City Security Force (CSF) chief Ret. Maj. Nicolas Amparo na lagyan ng radio transceiver units ang anim na ospital ng city go­vernment.

Ito’y matapos na ibigay nina 3rd district chairperson Thelma Lim, 168 Mall administrator Delfin So at ng Manila Friendship Lions na pinangungunahan nina president Willy Chua Kim Tong at dating pa­ngulo na si Anthony Gon­zalo ang 40 units ng radio equipments.

Agad ding inabisuhan ni  Lim si city general services office chief, Leanie Sanding­ na irecord ang mga radio transceiver units  upang ma­laman kung kanino naka-assign ang mga ito.

Ayon kay Lim malaking tulong ang  donasyong radio transceiver dahil mas madali ang komunikasyon  ng mga CSF personnel sa mga ospital.

Ipamamahagi  ang  radio transceiver sa mga CSF na nakalataga sa Os­­­pital ng Maynila, Jose Abad Santos Mother and Child Hospital, Ospital ng Tondo, Gat Bonifacio Memorial Medical Cen­ter, Ospital ng Sampaloc at sa  Sta. Ana Hospital.

Matatandaan na nagka­roon ng nakawan ng sang­gol sa ilang ospital na pi­natatakbo ng pamahalang lungsod. 

ANA HOSPITAL

ANTHONY GON

CITY SECURITY FORCE

DELFIN SO

GAT BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CEN

JOSE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

KIM TONG

LEANIE SANDING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with