^

Metro

Wanted, natimbog sa Maynila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 ang isang 43-anyos na lalaki na hinatulan ng korte ng 14 na taong pagkabilanggo sa kaso ng iligal na droga, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga­.

Sa bisa ng warrant of arrest mula sa sala ni Presiding Judge Caroline Ri­vera-Colasito ng Manila Regional Trial Court, Branch 23 nadakip ng mga tauhan ng MPD-Arquiza Police Community Precinct si Rudy Akmad ng Barangay 584,  Zone 74, Dakota st., Malate,  Maynila.

Dakong alas-11:00 ng umaga kahapon nang ares­tuhin si Akmad sa pa­ngunguna ni C/Insp. Ed­gardo Cariaso sa P. Gil St., Ermita, Maynila.

Nakatayo si Akmad ng matiyempuhan ng mga awtoridad.

Nabatid sa binasahan ng sentensiya si Akmad kahit hindi ito dumalo sa pagdinig sa korte (in absentia) at pinatawan ng 14 na taong pagkakabilanggo at inatasan din na magba­yad ng P300,000 multa ka­ugnay sa kaso ng pagda­dala ng 2.733 gramo ng marijuana noong Agosto 2008.

Sa record ng korte, Agosto 9, 2008 nang ma­aresto si Akmad ni PO2 Robert dela Rosa na tumatanggap ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang ‘di nakilalang lalaki  na sakay ng motorsiklo.

Ang kanyang kaso ay nai-file sa korte base na rin sa rekomendasyon ni Assitant City Prosecutor Winnie Edad.

 Sa kanyang arraignment noong Agosto hanggang Setyembre 10, 2008 ay naghain ng not guilty plea si Akmad  at hindi na muli pang sumipot sa mga pagdinig ng kaso.

AGOSTO

AKMAD

ARQUIZA POLICE COMMUNITY PRECINCT

ASSITANT CITY PROSECUTOR WINNIE EDAD

ERMITA

GIL ST.

MANILA POLICE DISTRI

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with