^

Metro

Dalaga patay sa live-in partner

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding se­los, isang dalaga ang na­patay sa bugbog ng kanyang live-in partner kahapon ng uma­ga sa lungsod Quezon.

Kinilala ni SPO1 Aldem Lassam ng QCPD-Police Sta­tion 6 ang biktima na si Nelin Boclis, 33, ng No. 187 Ilang-Ilang St., Payatas, Quezon City habang arestado naman ang suspect na si Robert Orale, 34, janitor.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay natagpuan na lamang walang buhay ni Jerome Paglinawan, 12, dakong alas-5 ng umaga.

Bago nito, nakipag-inu­man umano ang biktima sa kanyang kaibigang si Monica noong Sabado ng gabi hanggang sa magpasya umano ang una at si Monica na makitulog sa bahay ni Paglinawan sa no. 341 Ilang Ilang St.

Dahil hindi umuwi sa kanilang bahay, nagselos ang suspect at ganap na ala-1 ng madaling-araw ay nagpasya itong sundan ang biktima sa nasabing bahay na lango sa alak at kinompronta ang biktima.

Dito na pinagbubugbog ng suspect ang biktima at nang makita nakahandusay na ang biktima, agad ding umalis ang suspect.

Laking gulat naman ni Paglinawan nang mapansin kahapon ng uma­ga na hindi na humihinga ang biktima.

Sa follow-up operation ng PS6 ay agad na nadakma ang suspect at dinala sa nasabing himpilan para sa imbestigasyon.

Ang kaso ay nakatakdang iturn over ng PS6 sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection Unit para sa masusing pagsisiyasat at paghahanda sa kasong isasampa laban sa suspect.

vuukle comment

BIKTIMA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DAHIL

ILANG ILANG ST.

ILANG-ILANG ST.

JEROME PAGLINAWAN

NELIN BOCLIS

PAGLINAWAN

POLICE STA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with