P6-milyon naabo sa sunog sa DPWH

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P6 milyong halaga ng kagamitan ang napinsala nang ma­sunog ang isang bahagi ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay SFO3 Re­ nato Gallego ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City, nasunog ang maintenance division ng DPWH region 4-A na matatagpuan sa NIA Road, Brgy Pinyahan ganap na alas- 4:30 ng madaling-araw.

Diumano bigla na lamang nagliyab ang bahagi ng kusina ng nasabing tang­­gapan hanggang sa lu­maki ito at umabot sa ikat­long alarma.

Gayunman, mabilis ding naapula ng mga pamatay-sunog ang apoy kung saan idineklara itong fire out pa­sado alas-6 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa na­sabing sunog na base sa pagsisiyasat ng BFP ay maaring nagmula sa na­pa­bayaang nakabukas na gamit.

Patuloy ang pag­sisi­yasat ng BFP sa na­turang insidente.

Show comments