^

Metro

Obrero na pumatay sa isang lolo, sumuko

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sumuko ang isang construction worker upang idepensa ang sarili kaugnay sa pagpatay sa isang 83-anyos na lolo, sa Tondo, Maynila, nitong Hunyo 26.

“Nilait-lait niya ako, sinapak kaya napilitan akong lumaban,” pahayag ng suspect na si Teofilo Aguilos, 26, ng Perla St. Int. 5 Tondo, Maynila sa harap ni Manila Vice Mayor Isko Moreno at C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng Manila Police District-General Assignment Section, kamakalawa ng hapon.

Dakong alas 3-ng hapon nang magpasyang lumutang ang suspect kasunod ng manhunt laban sa kanya kaugnay sa pagpatay sa biktimang si Gregorio Bondoc, ng Perla St. Int.6 Tondo.

Paliwanag ng suspect nangungutang siya ng pera sa biktima subalit sa halip na makuha umano sa pakiusap ay nilait lang siya at sinapak pa at hindi naman siya nakahiram ng pera.

Nauwi umano sa sagutan ang panlalait hanggang sa sapakin ang suspect at nang makakuha umano ng kutsilyo ang huli ay pinagsasaksak ang matanda.

Matatandaang dahil sa kahol ng mga aso, nagising ang apo ng biktima at nadiskubreng tadtad ng saksak ang lolo niya na idineklarang dead-on-arrival nang isugod sa ospital.   

vuukle comment

DAKONG

GREGORIO BONDOC

HUNYO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MARCELO REYES

MATATANDAANG

MAYNILA

PERLA ST. INT

TEOFILO AGUILOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with