^

Metro

Salvage victim ibinitin sa tulay

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang nakabigti sa Dimasalang bridge sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nababalutan ng packaging tape ang ulo at binigti sa asul na lubid ang naturang lalaki na nasa edad na 35 hanggang 40; nakasuot ng itim na t-shirt at maong na pantalon; may tattoo­ na “CHUA I:U” sa kaliwang balikat at simbolo naman ng Commando gang sa likod.

May nakasabit ding placard­ sa bangkay ng biktima na nag­sa­saad ng “Isa akong salot sa lipunan holdaper at pusher ako... ikaw, salot din ba? susunod ka na.”

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubre ni Rodelio Alzate ang bangkay na nakasabit sa nasabing tulay at ipinagbigay-alam sa tanod ng Brgy. 484, Zone 48 na siyang nagreport sa pulisya.

Inilagak ang bangkay sa Uni­versal Funeral Homes.

BRGY

DIMASALANG

FUNERAL HOMES

INILAGAK

ISA

ISANG

MAYNILA

NABABALUTAN

RODELIO ALZATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with