P10-M pirated DVDs, isinurender sa Maynila
Manila, Philippines - Umaabot sa P10 milyon ang halaga ng mga pirated DVDs ang kusang loob na isinurender ng mga vendor at maging ng organisasyon ng mga Muslim vendors sa Quiapo, Maynila kaugnay ng pagsisimula ng total ban dito kahapon.
Personal na pinangunahan nina Manila Mayor Alfredo Lim, Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts, US Embassy Rep. Jennifer Nadinhart de Ortiz at Manila Police District ang pagtungo sa New Barter Trade Mall sa Quiapo na sinasabing bentahan ng mga piniratang DVD.
Ayon kay Lim, umaasa siyang magiging “pirated free DVD” ang Maynila dahil hindi naman titigil ang kanyang mga tauhan gayundin ang mga pulis sa monitoring sa mga lugar na posibleng pagbentahan ng mga pirated DVDs.
Bagama’t nalulungkot, sinabi naman ni Normida Pangandaman Vice President ng Muslim Vendors Association na kailangan na nilang tapusin at palitan ang kanilang negosyo.
- Latest
- Trending