^

Metro

Kelot dedo sa sekyu

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bumulagta ang isang hindi pa kilalang lalaki nang barilin sa likod na naglagos sa dibdib ng isang security guard na ikinamatay nito, sa J. Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Isang tama lamang ng bala ang kumitil sa buhay ng biktimang inilarawan sa edad 20-25; may taas na 5’4’’- 5’5’’; nakasuot ng kulay brown na sando, stripes na itim at puti ang suot na shorts at may mga tattoo na “Vanjang” sa kaliwang hita at “Benjo” sa kanang hita.

Isang security guard na hindi pa tukoy ang pagkikilanlan ang responsable umano sa pamamaril.

Nasa pagitan ng alas-2:00 hanggang alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa Abad Santos Avenue. Bago ito, ilang kalalakihan na tambay sa lugar ang nagbigay ng impormasyon na ang biktima ay nakita nilang may kinakalikot sa isang nakaparadang Isuzu truck (EVP-861) at nang muling tingnan ay tumatakbo umano ito papalayo hanggang sa makarinig sila ng putok. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

vuukle comment

ABAD SANTOS AVENUE

BENJO

BUMULAGTA

ISANG

ISUZU

MAYNILA

NANG

PATULOY

VANJANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with