^

Metro

Mag-amang Ampatuan, idiniin ng dating aide

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Positibong kinilala at iti­nuro sa loob ng korte ng dati nitong aide si Andal Ampa­tuan Sr. at anak na si Sajid Ampatuan na kasama umano sa nagplano sa karumal-dumal na Maguindanao masaker­.

Sa pagpapatuloy sa pag­dinig sa naturang kaso, mu­ling iprinisinta sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Reyes-Solis ng panig ng pro­se­kusyon si Lakmodin Saliao, nagpakilalang malapit na aide ni Andal Sr., na una nang nag­bigay ng testimonya na kasama umano ang akusado sa pagpaplano ng masaker.

Nang tanuning kung kaya nitong kilalanin ang mga akusado, positibong itinuro ni Saliao si Andal Sr. at anak nitong si Sajid na dumalo rin sa pagdinig.

Umapela naman ang panig ng depense nang ituro at kilalanin din ni Saliao ang abogadong si Art Loren Tan na nakaupo sa parehong inu­upuan ng mga Ampatuan. Sinabi ni Saliao na si Tan umano ay kapatid ng asawa ni Sajid.

Hiniling naman ni Atty. Sigfrid Fortun na ilagay sa rekord ng korte ang ginawa ni Saliao sa pagkilala sa mga akusado. Sinabi nito na hindi kasama si Tan sa mga akusado kaya nila pinagdududahan ito.

Idinagdag pa ni Atty. Paris Real, abogado ni Sajid, na hindi rin kasama si Tan sa mga nabanggit ni Saliao nang magbigay ito ng testimonya noong Setyembre 8, 15 at 28, 2010.

vuukle comment

ANDAL AMPA

ANDAL SR.

ART LOREN TAN

JUDGE JOCELYN REYES-SOLIS

LAKMODIN SALIAO

PARIS REAL

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SAJID

SALIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with