^

Metro

Ginang nilooban na, binaril pa sa pagitan ng 2 mata

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang ginang na sales marketing coordinator ang nasawi makaraang barilin sa pagitan ng dalawang mata habang nagbabantay ng kanyang tindahan sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Evelina Marañon, 46, nakatira sa Cadena de Amor St., cor. De Castro, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City.

Base sa report ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng tahanan at tindahan ng biktima.

Isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa pagitan ng dalawang mata ang kumitil sa buhay ng biktima.

Sa imbestigasyon, sinasabing ang biktima ay siya lamang tao sa kanilang tindahan nang maganap ang krimen.

Isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang magnanakaw ang sinasa­bing responsable sa pagbaril at pagpatay sa biktima.

Inilarawan ng isang tes­tigo ang suspect na may taas na 5’6”-5’7”, nakasuot ng kulay­ brown na jacket­, maong na pantalon, katamtaman ang pangangatawan at ka­yumanggi.

Ayon pa sa witness, nakita niya ang suspek na nag­mamadaling umalis sa harap ng tindahan sakay ng motorsiklo na walang plaka.

“Hindi ko nasaksihan noong paslangin ang biktima, pero natitiyak ko na ang lalaking iyon ang siyang may kagagawan ng krimen dahil nagulat siya noong makita niya akong papalapit sa tindahan,” pahayag pa ng testigo.

Sentro ng imbestigasyon ngayon ng Pasig City Police ang anggulong robbery ang motibo ng krimen.

vuukle comment

AMOR ST.

AYON

BIKTIMA

BRGY

CADENA

DE CASTRO

EVELINA MARA

ISANG

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with