^

Metro

Ginang dinedo ng ex

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Isang 27-anyos na ginang ang namatay nang bugbugin umano ng kanyang dating live-in partner matapos na tu­manggi ito na makipag­balikan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Mercy Jontilla, ng Miguelen St., Sampaloc, sanhi ng multi­ple physical injuries secon­dary to mauling.

Tinutugis naman ng pu­lisya ang suspect na isang alyas “Larry,” dating live-in partner ng biktima, at umano’y driver ng pampasaherong jeep na mabilis tumakas ma­tapos ang insidente

Dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima

Nauna rito, dumating sa inuupahang silid ang suspect at sinabihan nito ang kinakasama ng biktima na si Jerry Cayabyab na kung pwedeng makapag-usap lang sila ni Jontilla.

Pumayag naman umano si Cayabyab na lumabas at nagtungo muna ito sa kanyang kapatid sa hindi ka­­layuang lugar pero ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig na sila ng ma­initang pagtatalo dahilan upang bumalik si Cayabyab sa bahay at doon na nga nakita ang dugu­ang biktima. Mabilis namang tumakas ang suspect.

vuukle comment

CAYABYAB

DAKONG

ISANG

JERRY CAYABYAB

JONTILLA

MABILIS

MAYNILA

MERCY JONTILLA

MIGUELEN ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with