^

Metro

Rider lasog ng trailer truck

- Ricky ­Tulipat -

Manila, Philippines - Lasog ang katawan ng isang security guard matapos na ma­bundol at makaladkad pa ng isang trailer truck habang tinatahak ang EDSA southbound sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ng Traffic Sector 1 ng QCPD, nakilala ang nasawi na si Nicolive Dadula, 47, ng Macopa St., Potrero Malabon. Natukoy naman ang driver ng Isuzu trailer truck (XFC-831) na si Wilfredo Sapio Jr., 41, ng Sta. Maria, Bulacan.

Nangyari ang insidente sa EDSA southbound, partikular sa Roosevelt Station, Brgy. Katipunan ganap na alas-10 ng gabi.

Diumano, tinatahak ng biktima ang naturang lugar sakay ng kanyang Motorstar motorcycle (UD-2486) nang biglang salpukin ito ng minamanehong trailer truck ni Sapio.

Matapos ang pagkakabundol ay pumailalim pa ang biktima sa truck hanggang sa makaladkad ito ng ilang metro na naging sanhi para magtamo ang una ng matinding pinsala sa katawan at ikasawi nito. Sinasabing tinangka pa ng suspect na tumakas, pero naharang lamang ito ng mga residente sa lugar.

Katwiran naman ng suspect, natakot umano siya sa mga residente na baka kuyugin at saktan siya ng taumbayan sa sandaling huminto kung kaya lumayo lamang siya sa lugar.

Ayon pa sa suspect, bago ang insidente ay nakita umano niyang pagewang-gewang sa kalsada ang motorsiklo ng biktima, saka tumumba kung kaya hindi na niya nagawang maiwasan at mahagip niya ito.

vuukle comment

AYON

BRGY

BULACAN

DIUMANO

MACOPA ST.

NICOLIVE DADULA

POTRERO MALABON

ROOSEVELT STATION

TRAFFIC SECTOR

WILFREDO SAPIO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with