Koreana nagpakamatay o pinatay?

MANILA, Philippines - Palaisipan pa sa pulisya kung nagpakamatay ba o pinatay ang isang babaeng Korean national matapos na matagpuan ang bangkay nito kahapon ng tanghali sa isang condominium sa Makati City.

Kinilala ang nasawi na si Won Young.      

Sa sketchy report ng Makati City Police, dakong alas-1 ng tanghali nang ma­tagpuan ang bangkay ng biktima sa Room 522 Prince Tower Plaza na matatagpuan sa Legazpi St., Brgy. San Lorenzo Village ng nabanggit na siyudad na nakatali ang leeg ng kurtina at nakasabit sa kisame.

Patuloy ang masusing im­bestigasyon sa insidente para mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng na­sabing dayuhan.   

Show comments