^

Metro

Baha sa Navotas, hindi na nagtatagal

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sa kabila na malakas na pag-ulan at mataas na tubig baha sa malaking bahagi ng CAMANAVA area dahil sa pag­hagupit ng bagyong Falcon, iniulat kahapon ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na walang mga residenteng inilikas ang lokal na pamahalaan dahil na rin sa paggana ng kanilang mga bombastic pumping stations na nakakalat sa lungsod. Ayon kay Tiangco, simula ng gumana ang kanilang 23 bombastic pumping station ay hindi na sila masyadong nagagambala sa tuwing may darating na kalamidad tulad ng bagyo. Sa pamamagitan aniya ng bombastic pumping stations ay madali na nilang naibabalik sa dagat ang tubig ulan dahilan upang hindi na masyadong nakakaranas ng matinding pagbaha ang naturang lungsod. Bago nagkaroon ng bombastic pumping stations na pinondohan ng lokal na pamahalaan ay nakilala ang Navotas City sa pagkakaroon ng ma­tinding pagbaha hindi lamang sa tuwing may bagyo kundi maging kapag nagkakaroon ng high tide.   

AYON

BAGYO

BOMBASTIC

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY MAYOR JOHN REY TIANGCO

PUMPING

STATIONS

TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with