^

Metro

Star Pres. Miguel Belmonte 1 sa '10 Outstanding Manilans'

- Ni Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Ginawaran ng parangal ng pamahalaang lungsod ng Maynila si STAR President/ CEO Miguel Belmonte bilang isa sa 10 Outstanding Manilans sa kategorya ng print media advocacy sa taong 2011.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, isa si Belmonte sa napiling 10 awardees bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon nito at sa pinamu­munuang Star Group of Publications sa pagbibigay ng balita at impormasyon sa mga mamamayang Filipino.

Ang parangal ay ginanap noong Biyernes ng gabi sa Manila Hotel kasabay sa pag­diriwang ng ika-440 anibersaryo ng Araw ng Maynila. Si Vice President Jejomar Binay ang naging panauhing pandangal.

Ang 10 ‘high-profile per­so­nalities’ ay may kani-kanyang katangi-tanging naiambag sa pagsulong at pag-unlad ng lungsod na siyang pinagbatayan upang gawaran sila ng pagkilala.

Sa citation kay Bel­monte, kinilala rin ito sa pagpa­pa­tu­pad nang maayos na labor policies na itinuturing ang mga empleyado na pantay-pantay at bilang miyembro ng isang pamilya.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Belmonte na, “I have been working in Manila for the past 24 years. I spend most of my waking hours in Manila and thus it has truly become a second home for me. I thank Mayor Alfredo Lim and the City of Manila for em­bracing me as a son of the city and for giving me this great honor of being one of the ‘Ten Outstanding Manilans’ this year. It is truly an honor and privilege for me to be counted among such a highly esteemed and res­pected group of awardees.”

Si Belmonte ay anak ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., at ng namayapang si Betty Go-Belmonte, na dati ring awardee noong 1994 sa unang pag-upo ni Lim bilang alkalde.

Ang iba pang ginawaran ng parangal ay sina Justice Andres Reyes Jr., judicial ad­mi­­nistration; Ambassador Bienvenido Tantoco, Sr., diplo­macy and corporate leadership; P/Gen. Raul Bacalzo, public service and law enforcement/criminal justice system and police admi­nistration; Nina Lim-Yuson, culture and values for­mation; Andrew Tan, business entrepreneurship and management; Justice Conchita Carpio-Morales, law and jurisprudence; Atty. Felipe Gozon, social res­ponsibility in broadcasting; Fr. Jose Arcilla S.J., education and history at Emilio Yap III, objective journalism.

 “By recognizing these Manilans for their exemplary achievement, the city government and its officialdom hold them up for emulation by others, even as appreciation is extended to them for what they have done for Manila and its people,” ayon naman kay Lim.   

AMBASSADOR BIENVENIDO TANTOCO

ANDREW TAN

BELMONTE

BETTY GO-BELMONTE

EMILIO YAP

FELIPE GOZON

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JOSE ARCILLA S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with