Bumbero itinumba ng riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bumbero ng riding in tandem matapos magresponde sa isang sunog sa Marikina City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ay nakilalang si Mamayog Saro, alyas Rambo, 48, isa ring barangay tanod na residente ng Block 43 Singkamas St., Brgy. Tumana, Marikina.

Sa imbestigasyon ni PO3 Charles Paquing, napag-alaman na ang insidente ay naganap ng alas-12:30 ng madaling-araw sa kanto ng J.P Rizal St., corner Libis St., Barangay Concepcion Uno ng nasabing lungsod.

Nabatid na habang minamaneho ng biktima ang kanilang fire truck galing sa pagresponde sa isang sunog ay dinikitan ito ng motorsiklo ng mga suspek at saka ito pinagbabaril.

Nahulog pa ang biktima sa fire truck na minamaneho nito makaraang tamaan ng bala sa leeg at mukha.

Nang matiyak ng mga suspek na patay na ang bik­tima ay mabilis silang tumakas sakay ng kanilang motorsiklo na walang plaka.

Nakakuha ang mga awto­ridad ng pitong basyo ng bala ng kalibre 45 baril sa pinangyarihan ng insidente.

Show comments