^

Metro

Real estate broker, itinumba

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang real estate broker makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin na nagpanggap na mga buyer sa tapat ng gate ng kanilang subdibisyon, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Patay na nang idating sa Olivarez Hospital ang biktimang si Noemi Edillor, 31, ng Gold St., R. Medina Subdivision, Brgy. San Dio­nisio matapos magtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pahayag ni Phillip Edillor­, asawa ng biktima sa pulisya nagpahatid sa kanya ang kanyang misis sa main gate ng kanilang tinitirhang subdibisyon dakong alas-8:45 ng gabi dahil susunduin ang naging katransaksyon nito na interesado umano sa ini-aalok nitong bahay at lupa.

Pagsapit sa main gate, hindi na pinababa ng ginang ang mister at pinauwi na saka pinuntahan nito ang dalawang lalaking kausap na lulan ng isang kulay silver na Toyota Innova na walang plaka.

Ayon kay Phillip, ipinaalam sa kanya ng security guard ng subdibisyon na biglang nawala ang Innova habang hindi rin makita ang kanyang misis. Tinawagan niya ito sa cellphone ngunit hindi ito sumasagot kaya nagpasya siyang ikutan ang bisinidad na malapit sa main gate.

Dito natagpuan ng mister ang duguang katawan ng kanyang misis na nakahandusay sa kalsada malapit sa main gate ng subdibisyon habang hindi na makita ang sasakyan ng mga salarin.

May hinala ang pulisya na may kinalaman sa transaksiyon kaugnay sa pag-aahente ng biktima sa ibinibenta niyang bahay at lupa ang naganap na krimen, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.   

vuukle comment

AYON

BRGY

GOLD ST.

MEDINA SUBDIVISION

NOEMI EDILLOR

OLIVAREZ HOSPITAL

PATAY

PHILLIP EDILLOR

SAN DIO

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with