^

Metro

3 Tsino, 1 Tsinoy timbog sa 20 kilo shabu

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlong Tsino at isang Tsinoy ang nadakip ng mga tauhan ng NCRPO kung saan nasamsam at makuha sa posesyon ng mga ito ang nasa 20 kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation, kahapon sa Makati City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Wu Shishuang, alyas “Sonny Cabrera Ng”, 50, isang Filipino-Chinese; Shengxi Li, 30; Yang Chi Ti, 26; at Sonny Co, 27.

Nadakip ang mga suspek sa parking lot ng isang convenience store sa may Malugay S., Makati City dakong alas-3:30 ng hapon kung saan isang transaksyon sa pagitan ng mga Tsino at ng asset ng NCRPO ang isinagawa. Hindi na nakapalag ang mga suspek nang magsulputan ang mga pulis matapos magkaabutan ng iligal na droga at marked money.

Sinabi ni NCRPO Director, Chief Supt. Allan Purisima na resulta ang pagkakadakip sa apat na suspek sa matiyaga nilang paghihintay at matagal na pagsunod sa galaw ng sindikato.   

vuukle comment

ALLAN PURISIMA

CHIEF SUPT

MAKATI CITY

MALUGAY S

SHENGXI LI

SONNY CABRERA NG

SONNY CO

TATLONG TSINO

WU SHISHUANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with