Kelot tiklo sa karnap na motorsiklo

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang lalake makaraang ma­aresto ng mga awtoridad dahil sa pagtangay sa isang motosiklo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nakilala ang suspect na si Rolando Arnaiz, 34, ng Don Julio Gregorio St., Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Narekober sa kanya ang isang Suzuki Shogun na may plakang 2299-ND na napaulat na nawawala noong June 21. Nadakip ang suspect makaraang maispatan sa  kahabaan ng Quirino Highway ganap na alas-11:30 ng gabi.

Nauna nang inireport ng isang Joel Cornella, 42, residente ng Don Julio Gregorio St. Bagbag, Novaliches, QC noong June 21 na ang kanyang motorsiklo ay nawawala habang nakaparada sa harap ng kanyang bahay dakong alas-4 ng madaling araw.Inalarma ito sa lahat ng himpilan ng pulisya hanggang sa maispatan nga sa naturang lugar.

Show comments