^

Metro

'Hindi central capital ng krimen ang QC'- Joy B.

- Ni Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Naniniwala si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na nagkataon lamang kung kayat binansagang central capital ng krimen ang lungsod, gaya ng napaulat sa ilang pahayagan.

Sa isang press conference, sinabi ni Belmonte na sa katunayan anya, sa tinanggap nilang report buhat kay QCPD director George Regis sa ginawa nilang pulong kahapon na bumaba pa nga ang insidente ng krimen sa lungsod kung ikukumpara­ sa nagdaang taon.

Sobrang laki anya ng Que­­zon City na kapag may nangya­ring krimen dito ay mistulang pinagpipiyestahan ng media dahil sa ang mga nasasangkot ay malalaking isda o kilalang tao.

“Siguro dahil mga high profile ang nasasangkot sa ilang krimeng nangyayari sa lungsod kaya ganun, pero sa katunayan ay mas may mataas pa ang nagaganap na krimen na na­iuulat sa ibang lugar sa Metro Manila kaysa sa QC”, pahayag ni Belmonte­.

Binigyang diin din ni Belmonte na plano na ng city government na lagyan ng CCTV ang lahat ng mga matataong establisimento, gayundin ang mga critical areas sa lungsod bilang bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa krimen.

Mayroon din anyang patuloy na komunikasyon ang mga ba­rangay officials, QC police at mga elemento ng QC hall para pangalagaan­ ang kapakanan ng mga taga-lungsod.

BELMONTE

BINIGYANG

GEORGE REGIS

MAYROON

METRO MANILA

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SHY

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with