^

Metro

58-anyos tumalon mula ika-5 palapag ng ospital, lasog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 58-anyos na lalakeng pasyente ng isang ospital matapos na tumalon buhat sa ika-limang palapag   dahil sa umano’y hindi makayanang problema sa pananalapi sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Alejandro Delima, 56, ng Look, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa ulat ng Police Station 2 ng QCPD, nangyari ang insidente sa may United Doctor’s Medical Center (UDMC) na matatagpuan sa E. Rodriguez Sr. Ave. Welcome Rotonda, sa lungsod ganap na alas-12 ng tanghali.

Bago ito, sinasabing Hunyo 8 nang dalhin umano ng kanyang pamilya ang biktima sa naturang ospital bunga ng hirap umano ito sa paghinga.

Mula dito ay na-confine na ang biktima sanhi ng chronic obstructive pulmonary disease na naging ugat para tumaas ang bill nito at mabigatan ang pamilya sa bayarin.

Base sa pahayag ni Ruth Delima-Rodriguez, bago ang insidente, pasado alas-11:00 ng umaga ay nagpaalam pa siya sa kanyang tatay para magtanghalian.

Sinasabing nang makalabas na ng kuwarto ang anak ay bigla na lang umano itong nagpunta sa bintana saka tumalon paibaba hanggang sa bumagsak ang katawan nito sa ikalawang palapag ng nasabing ospital.

Ayon sa pulisya, maaari umanong ang paglaki ng bayarin sa ospital ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima, bagay na kanila pa ring sinisiyasat hanggang sa kasalu­kuyan.

ALEJANDRO DELIMA

AYON

BATANGAS

HUNYO

MEDICAL CENTER

POLICE STATION

RODRIGUEZ SR. AVE

RUTH DELIMA-RODRIGUEZ

UNITED DOCTOR

WELCOME ROTONDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with