^

Metro

Kambal todas sa cytotec

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District ang isang 19-anyos na babae sa pagkamatay ng kambal na nasa kanyang sinapupunan makaraang isugod ito sa ospital dahil sa matinding pagdurugo kung saan nabuking na may dalawang tableta ng cytotec sa maselang bahagi nito sa Sampaloc, Maynila.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Ospital ng Sampaloc ang dalagita na itinago sa pangalang Christina, kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) sa Far Eastern University (FEU), ng Craig St., Sampaloc.

Sa ulat ni Det. Gerardo Rivera ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11 ng tanghali nang isugod sa ospital si Christina kung saan nadiskubre na may dalawang piraso ng Cytotec sa ari nito.

Patuloy umanong dinudugo si Christina at ilang minuto lamang ay biglang lumabas sa ari nito ang halos durog durog na kambal na fetus na tinatayang nasa lima hanggang  anim na buwan.

Ayon naman sa syota ni Christina na itinago sa pangalang Rico, 20, estudyante ng UST sa kursong Tourism, may isang taon at tatlong buwan na umano silang magkasintahan ng dalagita kung saan ay nito lamang Martes nang malaman nitong buntis na ang huli.

vuukle comment

AYON

CHRISTINA

CRAIG ST.

CYTOTEC

FAR EASTERN UNIVERSITY

GERARDO RIVERA

HOMICIDE S

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

KASALUKUYANG

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with