^

Metro

17-anyos utas sa pangunguha ng kable

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na makuryente sa ki­same ng gusali habang nag­tatangkang baklasin at tangayin ang mga kable ng kuryente para sa tanso nito, kamakalawa ng tanghali sa Parañaque City.

Nakilala ang biktima na si Crisanto Sison ng #111 Manukan Extension, Manuyo 2 CAA, Las Piñas City.

Sa ulat ng Parañaque City PNP, nadiskubre ni Florante Samonte, electrician ang bangkay ni Sison matapos siyang pumasok sa Nenita Building 1 na nasa no. 8124 Dr. A. Santos, Brgy. San Dionisio.

Nabatid na napansin ni Samonte na bahagyang na­kabukas ang gate at tanggal ang kandado.

Dahil sa pagdududa, agad na ininspeksyon ni Samonte ang buong gusali kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima nang silipin ang loob ng kisame. 

Nang marekober ng mga pulis, nakita pa na hawak-hawak ng biktima ang bungkos ng kawad ng kuryente na maaaring nakuryente ang binatilyo.

Kinumpirma naman ng tiyahin ng biktima na si Vilma Mendez, 38 na nangunguha ng mga kalakal na maibebenta ang kanyang pamangkin kaya posibleng tinangka niyang makuha ang mga kable upang ipagbili ang tanso.

vuukle comment

CRISANTO SISON

DR. A

FLORANTE SAMONTE

LAS PI

MANUKAN EXTENSION

NENITA BUILDING

SAMONTE

SAN DIONISIO

VILMA MENDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with