^

Metro

Pagkukumpuni ng underpass sa QC inumpisahan na

-

MANILA, Philippines - Inumpisahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni ng underpass sa inter­seksyon ng Quezon at Araneta Ave­nue sa Quezon City kahapon.

Target ng DPWH na matapos ang proyekto ng hindi lalagpas sa 15-buwan at may nakalaang pondo na P430 milyon. 

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista sa inaasahang pagsisikip ng tra­piko na iwasan na munang dumaan sa naturang mga kalsada lalo na kung aabot sa kasagsagan ng konstruksyon at gamitin na lamang ang mga inihandang alter­natibong ruta.        

Ang mga motoristang mula sa EDSA patungong Quiapo ay maaaring kumanan sa West Avenue, kaliwa sa San Francisco del Monte Avenue, kakaliwa sa A. Bonifacio Avenue, kakanan patungo ng Blumentritt at Dimasalang Street hanggang makara­ting ng Quiapo.

Sa mga magmumula naman ng Maynila tungo ng Quezon Avenue, maaaring kumanan­ sa E. Rodriguez Sr. Avenue diretso ng EDSA-Cubao at sa EDSA. 

Mula sa Sta. Mesa at Aurora Boule­vard na dadaan ng C-3 Road at Ara­neta Avenue­, maaaring dumaan ng A. Bonifacio Ave., kakaliwa sa Bayani o E. Rodriguez Avenue, kumanan sa Banawe Street, kanan uli sa Amoranto Street, at kumaliwa sa Araneta Avenue.

Tiniyak naman ng MMDA na naglatag na sila ng sapat na mga signages at nag­dagdag ng mga traffic enforcers para hindi malito ang mga motorist. NI  Danilo Garcia

AMORANTO STREET

ARANETA AVE

ARANETA AVENUE

AURORA BOULE

AVENUE

BANAWE STREET

BONIFACIO AVE

BONIFACIO AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with