Obrero nilaslas ang leeg

MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na construction worker nang laslasin umano ang leeg nito ng kasamahan sa trabaho, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Os­pital ng Sampaloc ang biktimang si Joel Simbaco, ng no. 405 Geronimo St., Sampaloc, Maynila ha­bang suspect naman sa krimen ang kapwa cons­truction worker din na si Jay-R Rosario, 22, ng no.  555 Amelia St., Sampaloc.

Sa ulat ni PO2 Jayson Ibasco ng Manila Police District-Homicide Section, na­ganap ang insidente sa pagitan ng alas-4:30-5:00 ng ma­da­ling-araw, sa ika-2 pa­lapag ng construction site na mata­tag­puan sa 427 Ge­ronimo­­ St., sa Sampaloc.

Bago ang insidente, nag­­tungo sa isang videoke bar ang suspect at biktima kasama ang mga iba pang ka-trabaho. Nabatid na magkahiwalay ang mesa na inupuan ng suspect at biktima.

Nang matapos ang inuman ay nagsibalikan na sa ginagawang gusali ang suspect at biktima na dumiretso umano sa ika-2 palapag.

Wala pang isang oras nang mapansin umano ng isang alyas “Erwin”, kasamahan sa trabaho, na pasuray-suray na lumalabas ng gusali ang biktima na hawak ang kaniyang leeg na may umaagos na dugo, hanggang sa human­du­say.

Show comments