^

Metro

City, barangay officials, pinuri sa mataas na koleksiyon

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinuri ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga barangay officials sa pagtulong sa city government kung kaya’t mas naging epektibo ang tax collections na inilalaan naman sa pagtulong sa mahihirap at pagbibigay ng serbisyo publiko.

Ayon kay Lim, sa report ni city treasurer Vicky Valientes, mula Enero hanggang Mayo ngayon taon, umabot na sa P3.8 bilyon o 44.2 porsiyento ang total collection ng lungsod.

Nabatid na nagpalabas na ng P344 milyon ang city go­vernment para sa lahat ng barangays bilang kanilang parte sa internal revenue collections sa kanilang nasasakupan.

Sinabi naman ni Valientes na ang nasabing koleksiyon ay bunsod na rin ng collective efforts ng treasurer, assessor’s offices, the bureau of permits at barangays.

Giit ni Valientes, mismong ang mga barangay chairman at kagawad ang siyang nagdadala ng mga notices of delinquencies sa mga establisimyento o taong kinauukulan.

Dahil dito, umaasa si Valientes na maaabot ng city go­vernment ang P8.6 bilyon collection sa kasalukuyang taon.

AYON

DAHIL

ENERO

GIIT

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

NABATID

PINURI

VALIENTES

VICKY VALIENTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with