^

Metro

500 sundalo idi-deploy sa Luneta

- Nina Joy Cantos at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Mahigit sa 500 sundalo ang idedeploy ngayong araw upang magbigay seguridad sa ika-150 taong kaarawan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal  partikular na sa Rizal Monument sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay AFP-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ang iba pang mga sundalo ay ipakakalat rin ng AFP sa Rizal Monument sa Calamba, Laguna.

Inihayag ni Burgos na sa Luneta Park ay apat na marching bands para sa musical accom­paniment af firing ang ipagkakaloob ng AFP maliban pa sa mga tututok  na security teams ng AFP-National Capital Region Command (AFP-NCRCOM) katuwang ng PNP personnel upang tiyakin ang peace and order sa okasyon.

Bukod dito ay limang medical teams rin ng AFP ang ipakakalat para sumaklolo sa mga emergency sa mga dadalo sa pagdiriwang ng dakilang ba­yaning si Rizal.

Ang paggunita sa kaarawan ng pambansang bayani ay pinangungu­nahan ng The National Parks Development Committee (NPDC) kung saan nasa 150,000 estudyante, out-of-school youth at mga kinatawan ng mga lungsod sa Metro Manila ang mag-aalay ng bulaklak sa monumento nito.

Samantalang sa Rizal Shrine sa lupang tinubuan ni Rizal sa Calamba, Laguna  ay magpapartisipa rin sa parade at ceremonial event gayundin ang mga marching band  at security forces ng AFP mula sa tropa ng Army’s 2nd Infantry Division na naatasang mangalaga sa seguridad saka lumahok sa pagdiriwang.

Kasabay nito, tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ng Maynila na sapat ang kanilang ipakakalat na pulis gayundin ang mga traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau na pinamumunuan ni Nancy Villanueva.

AFP

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

CALAMBA

CHIEF COL

DR. JOSE RIZAL

INFANTRY DIVISION

LUNETA PARK

RIZAL MONUMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with